Design a site like this with WordPress.com
Get started

Buwan ng Wika

akda ni Rio Sebastian
Ang aking pagbisita sa isang liwasan sa Litomerice, Czech Republic na nagbibigay-pugay sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”

Anon

Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang sa buong Pilipinas ang Buwan ng Wika, partikular na sa mga pampublikong mababang paaralan. Ito ang unang-unang sumasagi sa aking isipan tuwing sasapit ang okasyong ito. Ang buwan ng wika ay buwan ng pagpapahalaga sa Pambansang Wika (Pilipino).

Noong aking kabataan (dekada 80), ang Buwan ng Wika ay Linggo ng Wika pa lamang. At tuwing Linggo ng Wika, o bago pa man sumapit ang linggong ito, ang mga mag-aaral ay abalang-abala sa pag-eensayo ng sayaw, o awitin, o tula, o di kaya’y pagsali sa Batutian, upang ipamalas ang kanilang iba’t-ibang talento sa harap ng buong paaralan.

Hindi ko malilimot na isang beses, ako ay umawit ng Pilipinas Kong Mahal sa entablado nung ako’y nasa ikatlong baitang. Hiyang-hiya ako noon dahil hindi naman kagandahan ang aking naturing na boses. Ngunit ako ay walang nagawa nung ako’y isinali ng aking mga kaklase at ng aking guro sa palatuntunan. Bagaman hindi kagandahan ang aking boses, hindi rin naman ito ganun kasagwa. At kapag narinig mo ang mga linya ng awiting ito, talaga namang ramdam na ramdam mo ang pagmamahal sa bansa at sa sariling wika:

Ang awiting ito, para sa akin ay isa sa mga pinakamagagandang katutubong awitin ng bansa. Ito ay maihahalintulad sa isang kundiman. Sa isang banda, kapag iyong sinuri, halos lahat ng mga sinaunang awitin, pati na rin ang Pambansang Awit ng Pilipinas (Lupang Hinirang) ay hindi maikakaila ang bahid-tunog ng kundiman. Nasasalamin dito ang natural na pagkahilig ng mga Pilipino sa mga makabagbag-damdaming awitin at tula mula noon at hanggang sa kasalukuyan. At simula nga nang mamutawi sa aking mga musmos na labi ang mga linya ng nasabing awitin, napukaw ang damdaming makabansa at nasyonalismo sa aking murang isipan. Ako ay nagsimulang magpahalaga sa sariling wika at sa sariling bansa, partikular na sa mga kasaysayan, akda, awitin at tula.

At kahit tayo ngayon sa kasalukuyan ay nasa buwan na ng Setyembre, at nakalipas na ang buwan ng Agosto, hayaan ninyong haranahin ko ang inyong natutulog na diwang-makabayan. At para na rin sa mga nakakalimot sa pagpapahalaga sa sariling wika, narito ang isa sa mga paborito kong tula na isinalin sa wikang Pilipino (orihinal sa wikang Español) ng aking hinahangaang manunulat at makata na si Jose Corazon de Jesus, at siya namang isinalin sa isang madamdaming awiting alam nating lahat…

Para sa akin, ang pagpapahalaga sa sariling bayan at sa sariling wika ay hindi nakikita o nasusulat sa papel. Bagaman ako ay may dalawang nasyonalidad sa kasalukuyan, hinding-hindi ko kailanman ibabaon sa limot ang bayang pinagmulan, at pagmamahal sa sariling wika. Ika nga ni Jose Alejandrino (orihinal na manunulat ng Bayan Ko),

“Aking adhika, makita kang sakdal laya!”

— isang pangungusap na sa di-kabutihang palad, simula pa man noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, hanggang sa kasalukuyan ay “laging napapanahon”.

Isalin ang akdang ito sa ibang wika (Click here for translator).
Advertisement

2 thoughts on “Buwan ng Wika

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: